Practice English Speaking&Listening with: First Vita Plus Rated K (HIGH QUALITY VIDEO w/ SUBTITLES)

Normal
(0)
Difficulty: 0

ito ang programang salamin ng inyong mga kwento

nagdadala ng mga malalaking balita mula sa maliliit na buhay

ako si KORINA

at ito ang New Year's Special ng

RATED K

(music playing...)

gusto nyo bang marinig ang mga kwento...Ooh...

gusto nyo bang malaman ngayon ito...Ooh...

gusto nyo bang mga kwentong seryoso...

tagumpay at pagkatalo...

pag-ibig at pagbabago...Oooh...

(music playing...)

sa RATED K!

Magandang gabi po mga kapamilya mula LUZON, VISAYAS AT MINDANAO

AT SA IBA PANG PANIG NG MUNDO na naaabot ng The Filipino Channel (TFC)

maraming salamat po at patuloy po ninyo kaming pinatutuloy sa inyong mga tahanan

makalipas ang isang buong taon ng ating pagsasama-sama tuwing linggo ng gabi

at sana'y naging maganda, mapayapa at masagana ang inyong naging pasko

naku ngayon naman ilang tulog na lang at matatapos na ang taong 2007

at haharapin na natin ang bagong taon

pero bago yan, hindi ba't masarap balikan at alalahanin ang mga kaganapan ngayong 2007

na bumuo sa ating pagkatao sa ating napakamakukulay na karanasan

na ika nga dapat nating ipinagpapasalamat

maaaring ang mga kwento na matutunghayan ninyo ngayong gabi

ay salamin ng mga pangyayari din sa inyong mga buhay nitong nakaraang taon

at marahil nais nyo ring magsabi ng "THANK YOU"

sa mga taong naging bahagi ng inyong 2007

tulad nya, dating janitor MILYUNARYO na ngayon

ang ebidensya

MANSION

magarang SASAKYAN

at maaliwalas na KINABUKASAN

"SALAMAT SA SWERTE AT DISKARTE"

ang FILIPINO

kahit naghihikahos at lugmok sa kahirapan ay pilit pa ring lumalaban sa hamon ng buhay

tulad yan ng kwento ng marami sa atin

ang kwento ni DOMINGO COLINA

ang dating janitor na

nagsumikap na maiahon sa hirap ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya

aba... mula sa pagiging taga kuskos ng sahig

at pagiging tindero

biruin nyo ngayon

siya ay isa nang

MILYUNARYO!

maganda ang naging taon at napakatayog ng naging buhay nitong si DOMINGO

kaya't sabi nya...

"SALAMAT SA SWERTE AT DISKARTE"

nagpapasalamat po ako doon sa experience ko

labinlimang taong empleyado bilang janitor sa Philippine General Hospital o PGH si JR

pero ngayon... ehemm...

MILYUNARYO na siya!

bata pa lang si JR ng makipagsapalaran siya sa Maynila

iba't ibang hanapbuhay ang kanyang pinasok makapag aral lamang

sa umaga...estudyante sa FEU... sa gabi...JANITOR

pag umuwi ako sa gabi ang pagkain ko noon kanin na tutong

tapos eh yung...ahh... kape, un ang ulam ko

pag ka kasi ayaw ako ng tatay ko na mag aral eh...

ngunit dahil hindi siya makapasa sa civil service exams noon

hindi siya mabigyan ng tamang posisyon sa trabaho

kaya umuwi sa pagiging JANITOR

Kahit na nasa mababang posisyon

alam ko na may mararating kami pagka siya ung napangasawa ko

kasi masinop siya at napag aral nya ang sarili nya sa kanyang sariling pamamaraan

pitong libong piso ang sweldo ni JR kada buwan noon bilang janitor

pero limandaang piso lang ang kanyang naiuuwi

dahil marami raw silang mag asawa na bayarin sa opisina

taong 2004

isang pagsubok ang dumating sa mag asawa

nasunog ang nirerentahan nilang apartment

pero hindi naman naabo ang kumpiyansa ni JR

dun po ako nkapag isip na kelangan ko na siguro magpaalam

sa community, sa PGH

kasi nabaon kami lalo sa utang

maliit ang sweldo ko ma'am

ahh...

walang ibang tumutulong sa'min ma'am eh

Enero taong 2005

kinailangang nang magpaalam ni JR sa naging kapamilya

sa PGH sa loob ng labinlimang taon

he was very..considered as a very responsible employee here

very respected, (by) very friendly (by/to) everybody

nakipagsapalaran ang mag asawa gamit ang naitatabing pitong libong piso

para sa papasuking negosyo ni JR

hindi raw naging madali ang bagong trabaho

unang-una, mahirap kasi ang mapaniwala at mapabili

ang mga tao ng mga kung tawagin ay HERBAL SUPPLEMENTS

(...Sabi po niya inaantay nyo daw po ako dito... ay hinde hinde hinde..ayoko nga...)

ngunit dahil raw lumaki siyang marunong makisama

sa kanyang pagsisipag ay kanyang naging puhunan

laway lang...

mula sa unang kita na limandaang piso isang linggo...

ngayon, pakiusap nga lang ni JR

sikreto na lang ang halaga ng kanyang kinikita kada buwan

pero ganun pa man eto na ang EBIDENSYA

Enero 2007

nakabili ng lupang 400 square meters na nagkakahalaga ng humigit kumulang na

2 milyong piso!

Oktubre 2007

natapos ang bahay na ipinatayo rito na nagkakahalaga ng humigit na

7 milyong piso!

Oh hindi ba ang galing ni JR?

kung dati, bus at tricycle ang sinasakyan papunta ng PGH bilang janitor

ngayon... may SARILI na siyang SASAKYAN

pinapangarap ko na mapag-aral ko ung mga anak ko

sa magandang eskwelahan na sila ngayon...

savings po meron na...

bagong lipat kami dito hindi kami nakatulog...

ito na ba un?...

ito na ba un kasi po bago dumating naman kami dito

maraming hirap na dinaanan din kami

meron yung mga tao na parang... ah... binabalewala kami

pinagsasaraduhan kami ng pinto akala nila mangungutang kami

todo buhos na biyaya marahil ang maitatawag sa nangyari

sa buhay ng mag anak ni JR lalo na ngayong 2007

lubus-lubos ang kanyang "THANK YOU"

higit sa lahat dahil naibangon na raw niya ang dignidad bilang tao

kahit na mula sa pagiging janitor ay naging MILYUNARYO!

ang tao kasi, ang ultimate goal nya is to survive

kung ikaw ay naniniwala sa ginagawa mo

at alam mo na pag nagtya tiyaga ka

bibigyan mo ng pagsisikap yung ginagawa mo

sa kadahilanang ah gusto mong kumita ng malaki

na hindi ka nang aargabyado ng ibang tao

posible un

nagpapasalamat po ako doon sa experience ko

ung mga bagay pala na nangyari sa akin

me purpose po pala para pala maging matatag ako

habang ang marami sa atin ay mahilig magreklamo

madalas, nakakaligtaan nating magpasalamat

sa araw-araw na biyaya na inireregalo sa atin

ang pagtatanghal namin ngayong gabi ay paalala lamang sa ating lahat

na ang buhay ay MASAYA, at MAGANDA kung marunong tayong MAGPASALAMAT

THANK YOU 2007!

The Description of First Vita Plus Rated K (HIGH QUALITY VIDEO w/ SUBTITLES)