So nailabas na ng POCO and dalawang bagong phones nila,
ang POCO X3 GT at ang POCO F3 GT.
Ang dalawang ito ay napakaganda,
ngunit isang trivia, 'di mo sila parehas mabibili
sa iisang bansa.
Ngayon, pagusapan natin.
(panimulang musika)
So hi guys! Ako si Richmond ng Gadget SideKick
at maligayang pagbabalik sa aking channel.
Kakabanggit ko lang sa inyo na may dalawang bagong phone
na nilabas ng POCO, ang POCO X3 GT
na nilabas globally, at ang POCO F3 GT
na nilabas sa India.
Ito ang mga specs.
Bago ko simulang ang bidyo na ito,
gusto ko lang magshout-out sa mga kaibigan natin
sa XUNDD Philippines at pinadala nila sa akin
itong dalawang maangas na Beatle case
para sa aking dalawang bagong POCO phones.
Itong mga cases na ito ay paniguradong drop proof
at napatunayan ko na ito noon at ngayon.
At talaga namang isa ito sa mga paborito kong cases.
Ngayon, balikan natin ang ating paghahambing.
Itong dalawang phones ay talaga namang
sulit banggitin kung naghahanap kayo
ng maangas na phones bilang iyong
pang araw-araw na gamit.
Ngayon, ang phone na ito, ang POCO F3 GT
ay nilabas lamang sa India at hindi niyo ito mabibili
maliban sa India maliban kung bibilhin niyo
ang Redmi K40 Gaming Edition na kung saan mabibili
niyo lamang sa China,
Ngayon, sa kabila naman, ang POCO X3 GT
ay mabibili niyo naman globally maliban sa India,
at mas kilala ito bilang Redmi Note 10 Pro 5G
sa China.
Ngayon, kung titignan natin ang panlabas na disenyo,
makikita niyo na ang pagkakalagay ng camera
ay hindi parehas at ang disenyo ng camera
ay talaga namang magkaiba rin.
Ngayon makikita niyo na rito, kung mayroon
kayong POCO F3 GT, makikita niyo na
and salitang "POCO" ay nasa gitna,
habang ang POCO X3 GT makikita ang POCO logo
sa kaliwang baba.
Pagdating sa ilalim, makikita niyo ang USB type-C,
ang loudspeaker ay magkaparehas,
at syempre ang microphone in ay nandiyan pa rin.
Pero sa F3 GT makikita niyo na ang SIM tray
ay nasa ibaba.
Pwede rito ang dalawang Nano SIM na 5G capable na.
Ang F3 GT ay also 5G capable.
Sa kanan na bahagi naman, makikita niyo
na ang power button ay parehas lang.
Parehas silang bilugan na fingerprint scanner.
Nandito ang volume rocker para sa X3 GT
habang ang POCO F3 GT makikita niyo na may
dalawang slider dito para magamit niyo
ang pisikal na pindutan.
Okay. Ito lang ang pinagkaiba nila
pagdating sa pisikalidad para sa POCO F3 GT
na syempre maganda kung ikaw ay isang gamer.
At sa taas naman makikita niyo na parehas silang
may loudspeaker...
Ang ibig sabihin ko ay stereo speaker.
At syempre nandito ang noice-cancelling mic
at ang IR.
And sa kabilang bahagi naman makikita niyo sa POCO X3 GT
ang SIM tray na pwedeng lagyan ng dalawang Nano SIM
na 5G capable.
At syempre sa POCO F3 GT makikita niyo
na nandiyan ang volume rocker
at isa pang mic.
Sa display na kategorya medyo magkaiba sila rito.
Ang POCO F3 GT ay may mas malaking display
na 6.67-inch at isa itong AMOLED na display.
Sinamahan pa ito ng 120Hz na screen refresh rate,
HDR10+, 500 nits na screen brightness.
Sa kabila naman, ang POCO X3 GT
ay may 6.6-inch IPS LCD na sinamahan
ng 1080p display Corning Gorilla Glass Victus
na kung saan ay mas maganda. Sinamahan pa ito
ng 120Hz na screen refresh rate at HDR10
tapos 450 nits na screen brightness.
Ngayon pagdating sa screen brightness,
makikita niyo na halos parehas lang sila.
Ngunit kung manonood kayo ng pelikula,
ang POCO F3 GT ang mas angat pagdating
sa brightness at pagdating sa mas magandang display
kumpara sa X3 GT.
Ngayon ito ang itsura kapag nanonood ka ng bidyo
sa POCO F3 GT.
At ito naman ang itsura kapag nanonood ka ng bidyo
sa POCO X3 GT.
Itong dalawang phone na ito ay may MediaTek Dimensity chip
na kung saan ang F3 GT ay gumagamit ng 1200
at isa itong 5G capable na processor.
Sa X3 GT naman ay gumagamit ng 1100
na 5G capable rin.
Ngayon makikita niyo sa AnTuTu Benchmark
version 9.0.10 ang score sa POCO F3 GT
ay malayo ang pagkapanalo laban sa X3 GT.
Pagdating sa AITUTU Benchmark, halos parehas lang sila
na may pagkaangat lang ang F3 GT.
Ngayon tanggalin natin ang lahat ng apps sa loob
at subukan natin mabukas ng apps dito
kung kaya nilang magbukas ng sabay, o kaya may mauuna.
Tignan natin sa Phone Dialer. In 3 2 1. Tara.
Parehas lang sila. Sabay lang sila.
Ngayon buksan natin ang web browser
na Google Chrome. In 3 2 1. Go.
Okay. Halos sabay lang din sila.
Ngayon subukan natin buksan ang AnTuTu Benchmark
at tignan natin if sabay lang sila magbubukas.
In 3 2 1. Go.
Okay. Nagbukas sila ng sabay.
Pagdating sa multi-tasking, 'di ko masabi
na may malaking pagkakaiba pagdating
sa Dimensity 1200 at 1100.
Pero tignan natin ngayon ang gaming.
So ito ang itsura kapag naglalaro ng Call of Duty
sa POCO F3 GT.
At ito naman ang itsura kapag maglalaro kayo
ng Call of Duty sa POCO X3 GT.
Makikita na ang parehas na phones ay maayos
pagdating sa gaming.
Pero syempre mas angat para sa akin ang POCO F3 GT
dahil sa dalawang ekstra na pisikal na pindutan
dito sa taas na nakakatulong talaga
lalo na kung hardcore gamer ka.
Pero syempre ang POCO X3 GT ay hindi gaanong kalayo.
Maganda rin ang pinakita nito sa gaming na kategorya.
Na-enjoy ko maglaro sa parehas na devices
at masasabi ko na parehas ay maganda.
Parehas din silang uminit sa parteng ito
kapag naglalaro ng higit kumulang 30 na minuto
ng tuloy tuloy.
Masasabi ko na talagang iinit ito parehas.
Pero syempre kahit itong isa ay may
liquid technology...
liquid cooling technology version 2.0,
inaasahan ko na ang isang ito ay mas 'di umiinit,
ngunit halos parehas lang sila.
Ngayon pagusapan natin ang camera sa parehas na phones.
And POCO F3 GT at ang POCO X3 GT
ay parehas ng camera modules.
Ngayon, parehas sila ay may 64MP main camera,
8MP ultra wide lens, 2MP macro lens,
at 16MP front camera. Parehas sila ay kayang
kumuha hanggang 4K 30 FPS.
Tignan natin ngayon ang mga litratong nakuha ko
mula sa POCO F3 GT.
Ito naman ang mga nakuha ko sa POCO X3 GT.
Ngayon, masasabi ko na parehas na cameras
ay nakakuha ng magagandang kuha, mapalabas or mapaloob.
Wala na akong masyadong masabi sa paghahambing nila.
Ngayon, kung tatanungin niyo ako kung nakakakuha sila
ng magaganda ng bidyo, parehas sila ay stable
at syempre kayang kumuha ng stable na bidyo na 1080p.
Parehas na phone ay may napakasmooth
na display. Parehas ay may 120Hz adaptive display
pagdating sa pagcacalibrate ng sarili.
Kung papansinin niyo ang mas buhay na kulay,
masasabi ko na itong isa ay mas buhay ang kulay
kaysa rito.
Ito ay mas puti ang kulay. Mas puti ang puti nito.
Ito naman ay medyo may pagkadilaw.
Ngayon pagusapan natin ang baterya ng dalawang ito.
Ang POCO F3 GT ay mas may malaking baterya
na 5,500mAh na baterya, habang ang POCO X3 GT
ay may 5,000mAh na baterya.
Parehas sila ay kayang sumuporta ng 67W na fast charging.
At masasabi ko na parehas itong nagcharge mula 20 hanggang 100
sa loob ng isang oras.
At syempre, nilagay ko ang parehas na phones
sa battery stress test. Mas tumagal itong isa
ng 14 na oras. At itong isa ay tumagal sakin ng 13 na oras.
So kaunting pagkakaiba lang. Parehas namin ay tumagal
sa akin ng higit isang araw pagdating sa normal
na paggamit. At parehas ay nakapagperform
ng maayos pagdating sa battery efficiency.
Ngayon, pagdating sa kulay, ang POCO F3 GT
ay may predator black at gun mental silver,
habang ang POCO X3 GT ay mas maraming pagpipilian.
Meron kang stargaze black, wave blue, at cloud white.
Pagdating sa presyo, may kaunting pinagkaiba.
Itong POCO F3 GT ay may presyo
na humigit kumulang 300 Euros,
habang itong POCO X3 GT ay may presyo
na humigit kumulang 260 Euros.
Syempre nakadepende ito sa inyong bansa.
So guys, nalaman na nating ang dalawang phones na ito
ay parehas maangas.
At syempre masasbi ko na ang POCO X3 GT
ay mabibili globally habang ang POCO F3 GT
ay makukuha lamang sa India.
Pero syempre alam niyo naman na mayroong Redmi na bersyon.
Ang POCO X3 GT ay mas Redmi Note 10 Pro 5G
sa China, habang ang POCO F3 GT
ay may Redmi K40 Gaming Edition sa China.
Pagdating sa performance, ang POCO F3 GT
ay may lamang habang kung gusto niyo
ng mas mura, pwede niyong bilhin
ang POCO X3 GT.
So, kung nagustuhan niyo ang bidyo na ito,
huwag niyong kalimutan mag-like, subscribe,
at syempre pindutin niyo ang bell icon
para wala kayong makakaligtaang bidyo
mula sa aking channel.
So ako si Richmond at ito ang Gadget SideKick.