Practice English Speaking&Listening with: Mi 10i / Redmi Note 9 Pro 5G - The CHEAPEST 108MP and the CHEAPEST 5G Phone for 2020!

Normal
(0)
Difficulty: 0

Ito na siguro ang huling telepono ni Xiaomi ngayong taon

at ito ang Redmi Note 9 Pro 5G China ROM Edition.

At oo, lahat ng nasa Tsina ay nagtatanong,

"Nasaan ang aming Redmi Note 9 at Note 9 Pro?"

Sa wakas nandito na ito. Huwag kayo malilito dito

mula sa global na edisyon sa serye ng Redmi Note 9.

Iba itong produkto na ito mula roon.

Ngayon, buksan na natin ang Redmi Note 9 Pro 5G China Edition.

(panimulang musika)

Kamusta kayong lahat! Ako si mitch002. Maligayang pagbabalik

sa aking channel. Ngayong araw, paguusapan natin

ang pinakabago at siguro huling telepono na ngayong taon

bago magtapos ang taong 2020.

At meron ako rito ang Pro na bersyon

ng serye ng Redmi Note 9 sa Tsina.

Ito ay kilala rin bilang Mi 10 Lite sa Tsina.

Kamakailan lang ay nakakalito ang mga bagong nilalabas

na mga telepono ni Xiaomi.

Ito bilang ang Mi 10 Lite tapos ang Redmi Note 9 4G

bilang ang POCO M3, at ang Redmi Note 9 5G

ay hindi pa natin alam.

Ayon sa mga sabi-sabi, iyon ang Redmi Note 10 5G

sa global na bersyon.

Malapit na.

At isa pang pagtatatuwa, iyon ay sabi-sabi lamang.

Di ako sigurado kung totoo o hind iyon.

Sinasabi ko lang sa inyo ang mga alam ko ngayon.

Huwag na natin patagalin pa at buksan na natin ito.

Itong Redmi Note 9 Pro 5G ay may magandang kahon na puti.

Sabi nila na ito ang pinakamurang 108MP na kamera ngayon.

Pagbukas natin ng kahon, makikita mo ang logo ng Redmi.

At nagtataka pa rin ako kung ito ay logo ng K series

o ito na talaga ang logo ng Redmi.

Ang Xiaomi ay may tatak na Xiaomi at siguro ang Redmi

ay may dragon na logo na ito.

May katuturan naman ito.

Ngayon pagbukas nitong manggas,

makikita natin ang SIM ejector tool.

Mayroon tayong user guide dito.

Mayroon tayong frosted jelly case.

Wala namang nakalgay kung ito ay anti-bacterial o hindi.

Siguro hindi.

Ngayon ang telepono na ito ay nasa harap nating dalawa.

Ito ang Redmi Note 9 Pro 5G

at itong kulay na ito ay rose gold peach.

Ito ay kamukha ng Mi 10 Lite 5G na binuksan ko

noong mga nakaraang linggo dito sa aking channel

at ito ay nakapaparehas doon.

Ayun, ang pinagkaiba lang ay ang kamera.

Ang maganda dito ay sa wakas nilabas na nila ito sa Tsina.

Panigurado hinintay ito ng karamihan

at ang Mi 10 Lite ay hindi lumabas dito

sa Timog-Silangang Asya.

Sa Europa lang ito lumabas.

At marami ang naghahagilap para bilhin ang kulay na ito.

Sinasabi ko sa inyo, ang kulay na ito ang pinakamagandang

kulay na nilabas ngayong taon.

Ngunit bago 'yan, tingnan muna natin ano pa

ang laman ng kahon na ito. Mayroon USB Type-C cable tayo.

Mayroon din tayong 33W charger dito.

Ngayon, ipasyal muna kita sa teleponong ito.

Sa ibaba, mayroon tayong audio jack at USB Type-C port,

ang microphone in, at syempre ang loudspeaker.

Sa gilid, mayroon tayong fingerprint scanner/power button

at syempre ang volume rocker.

Sa taas, mayroon tayong noise cancellation mic

at syempre ang IR blaster.

At sa kabilang gilid, mayroon tayong SIM card ejector tray

kung saan pwede tayo maglagay ng isang microSD card

at tsaka nano-SIM o kaya dalawang nano-SIM ng sabay.

Sa likod makikita natin na may apat na kamera dito

at isang LED flash.

At nasa ibaba ang logo ng Redmi.

Mayroon tayong punch hole kamera na nasa gitnang itaas

ng iyong screen at ito ay 16MP front shooter.

At iyun na ang lahat.

Ngayon, mas mas pagtuunan natin ang espesipikasyon

ng teleponong ito. Mayroon itong Snapdragon 750G

at ito rin ay isang 8nm processor na may 5G

kung saan ito ang pinakabagong chip mula sa Qualcomm.

At makikita rin natin ito sa Mi 10 Lite 5G.

Kagaya ng sinabi ko, sobrang magkaparehas sila.

At magkaparaheas lang sila hindi eksaktong eksakto.

Ngayon tingnan natin ang AnTuTu benchmark. Nakakuha ito ng

345,000 na puntos na halos kaparehas ng Mi 10 Lite.

Tapos makikita natin sa DRM info na ang teleponong ito

ay may Widevine L1 security kung saan pwede ka

manood ng HD.

Ngayon sa Geekbench, ito ay nakaiskor ng 658

na single-core na puntos at 2,017 multi-core na iskor

na ibig sabihin ay ayos na.

Ngayon sa 3DMark, nakaiskor ito ng 2,783 na puntos

sa Sling Shot Extreme na ibig sabihin na ito

ay may kakayahan na magpatakbo ng high graphics na laro.

Ngayon, tingnan natin ang screen nito.

Mayroon itong 6.57in IPS LCD, ito ay kayang mag HDR10,

1080p, Corning Gorilla Glass sa harap at Corning Gorilla Glass

sa likod. Ito rin ay may plastik na katawan

kaya napakaganda at napakagaan ng teleponong ito sa kamay.

Ito ay may tatlong bersyon.

May isa na 6GB RAM/128GB na storage.

Ang isa ay 8GB RAM/128GB na storage

at ang isa ay 8GB RAM/256GB na storage

kung saan may kasama itong USF 2.0 na read/write na bilis.

At syempre pano ko makakalimutan na ang teleponong ito

ay may 120Hz na screen refresh rate na kakaiba talaga

na kilalanin dito.

Masasabi ko rin na masyado naisaayos ang aking paningin

sa mataas na screen refresh rate at ito ay napakaswabe

sa aking paningin.

Ngayon, subukan natin ang fingerprint scanner.

Napakabilis naman tumugon.

Sa panonood ng YouTube sa teleponong ito ay

sobrang nag-enjoy naman ako. Mayroon itong dual speakers

na nagpapaganda sa tunog ng surround sound ng speakers

sa pandinig mo.

Mga kaibigan, pagusapan naman natin ang apat na kamera

sa teleponong ito. Mayroon itong 108MP na sensor

na may aperture na f/1.8 na kayang kumuha

ng mga magagandang larawan at sinamahan pa ito

ng 8MP Ultra wide lens, 2MP Macro lens, at 2MP Depth sensor.

Tapos, kaya nitong magrekord hanggang 4K 30FPS

na medyo mababa para sa akin.

Umasa ako ng mas mataas sa 108MP na kamera na ito,

ngunit ito na talaga ang pinamaganda na kaya nito ibigay,

ang 4K 30FPS. Sa harap ay 16MP

na kaya magrekord hanggang 1080p 30FPS.

Ngayon, ipakita ko sa inyo ang mga larawan na nakuha

ko sa kamerang ito.

Sa madaling salita, ang mga kuha sa labas ay maayos,

napakacrisp at napakalinaw.

Asahan natin na ang ilang kuha rito sa gabi

at sa mga medyo madilim na lugar ay makikita natin

na medyo grainy ngunit di naman ako masyado umasa

na malaki sa kamerang ito kapag nasa loob

kasi medyo mahina ito para sa akin.

Tapos, tingnan natin ang ilang selfie na kinuha natin.

Ayun, makikita niyo na ang selfie ay maganda.

Maganda ang mga detalye pero syempre kapag sa madilim ulit,

medyo grainy ito kagaya ng inaasahan natin.

Ngayon, kumuha tayo ng bidyo sa likod na kamera nito.

Tingnan natin ang kalidad nito.

Ang bidyo kamera sa likod ay lumabas na maganda

at masasabi ko na napakatalas nito.

Nagustuhan ko ang mga kulay

na 'di sobrang tindi ng saturasyon. Pero syempre

medyo mauga ito.

Sa pagrekord ng 8K, kailangan mo ng Snapdragon 865 na chip

at ng 108MP na kamera para magawa mo ito.

Ngayon, tingnan natin ang ilang bidyo sa harap.

Mga kaibigan, ito ang itsura kapag ikaw ay nagvovlog

gamit ang harap na kamera ng Redmi Note 9 Pro 5G

na naka 1080p 30FPS.

Malinaw naman. Hindi na masama.

Ito naman ang itsura kapag ikaw ay nagvovlog

gamit ang harap na kamera ng Redmi Note 9 Pro 5G

na naka 1080p 30FPS.

Maliwanag naman.

Malinaw naman kahit hindi masyado maliwanag.

Hindi na masama.

Okay. Ngayon masasabi ko na ang harap na selfie kamera

na nagrerekord ng 1080p 30FPS ay ayos naman.

Maayos talaga. Hindi siya sobrang mauga

kumpara sa harap pero masasabi ko naman

na mapapagtiyagaan naman. Syempre kung may gimbal ka,

mas mabuti ngunit sa pangkalahatan, masasabi ko na

ito ay napakasimple na telepono na pangvlog.

Ngayon ay subukan natin maglaro sa teleponong ito.

Nilalaro natin ngayon ay ang Call of Duty

at pwede nating ilagay ang kalidad ng graphics sa very high

at ang frame rate sa high kung saan hindi na ito masama

lalo na kung iisipin mo na hindi naman ito Snapdragon 865

tapos kaya nito ang graphics na ito.

Sa paglalaro ng larong ito, maganda naman,

immersive naman at wala naman masyadong frame drops

at masasabi ko naman na ang screen nito ay binigyan naman

ako ng magandang karanasan sa 120Hz screen refresh rate nito.

Natuwa naman ako sa paglalaro nito ngunit masasabi ko na

pagkatapos ko laruin ito ng mga tatlumpung minuto,

naramdaman ko na medyo uminit ang likod nito.

Para sa akin, mairerekomenda ko na bumili kayo ng cooler

para mas mabilis na mawala ang init pero syempre

ang init na naramdaman ko naman ay kinakaya ko naman.

Ang init ay hindi naman nakakapaso at ang gameplay

ay napakaayos naman.

Ang teleponong ito ay may baterya na 4820mAh

na kayang sumuporta ng 33W na fast charging.

Sinalaysay ng Xiaomi na kaya nito magcharge

sa loob ng limampu't walong minuto mula 0% hanggang 100%.

At ito ang aking natanggap.

Halos parehas lang ito sa Mi 10 Lite at tingnan

naman natin ngayon ang screen-on time mula sa PCMark test.

Ito ang resulta.

Halos parehas parin talaga.

Halos parehas mula sa Mi 10 Lite.

Ngayon, halos nasabi ko na sa inyo ang lahat

ng gusto niyong malaman sa Redmi Note 9 Pro 5G

at nakikita ko talaga na halos kaparehas lang

ang bilis nito mula sa Mi 10 Lite 5G

puwera na lamang sa mga Google Services

na 'di nakalagay dito.

Napakadali naman maglagay nun dito

gamit ang Google Installer v3.0

Subukan niyo yun dito at 'di niyo mamamalayan

na meron na nito nun. Napakadali.

Ngayon, ano ang masasabi ko rito?

Kasama ng Mi 10 Lite, ang teleponong ito ay 'di masyadong

napansin ng iba. Umaasa ako na mabigyan ng pansin

ng mga tao ang Snapdragon 750 5G na kung saan ito ay

napakaayos at napaka battery efficient.

Masasabi ko rin na ang disenyo nito ay isang tagumpay

para sa Xiaomi dahil sa pagbabago ng kulay nito

mula sa berde papunta sa baba na kulay rosas.

Sobrang nagustuhan ko talaga ang kulay nito

at namiss ko ngayong taon ang pagpapalit sa peach na kulay

kaya mas gusto ko ang kulay nito.

Ang gandang tingnan.

Pangkalahatan, ang teleponong ito ay may magandang kamera.

May maganda itong processor puwera na lamang

kung maglalaro ka ng mabibigat na laro

o mga high intense graphics na mga laro.

Siguro sa Snapdragon 865 ka kaysa sa Snapdragon 750G

kung saan medyo mahina pa ang 750g.

Mas battery efficient naman ito.

Syempre ang disenyo nito ay sobrang nagustuhan ko.

Kung nagustuhan niyo ang bidyong ito, huwag niyo kalimutang

mag-like, mag-subscribe, at pindutin niyo ang bell icon

upang wala kayong malampasan na mga bidyo dito

sa aking channel.

Aasahan kong makita ko muli kayo sa aking susunod na bidyo.

Paalam!

The Description of Mi 10i / Redmi Note 9 Pro 5G - The CHEAPEST 108MP and the CHEAPEST 5G Phone for 2020!