Medyo matagal-tagal na rin akong 'di nakakahawak
ng isang Huawei Nova phone.
Ang huling hawak ko ay ang Huawei Nova 7
na nilabas nung nakaraang taon ng Abril 2020.
At ngayon hawak ko ang pinakabagong
Huawei Nova 8.
At naintriga ko rito. Alam ko na maraming
maganda ngayon dito sa disenyo at lalo na sa UI.
Tara at buksan na natin ito.
(panimulang musika)
Hi guys! Ako si Richmond the Gadget SideKick
at maligayang pagbabalik sa aking channel.
Ngayon ay nandito ang Huawei Nova 8.
At alam ko na ang puting kahon na ito ay katulad
ng sa nakaraang mga nilalabas ng Huawei.
Napakalinis at napakaganda ng bagong Huawei Nova 8.
Okay. Ngayon ay bubuksan na natin ang box.
Ang bubungad sayo ay ang phone agad.
Alisin na natin sa kahon. At itong meron ako
ay ang blush gold na kulay.
Masasabi ko na napakaganda nito.
Napadisente at halos kaparehas siya ng kulay
ng Huawei Nova 7 na isa sa mga aking paborito
mula sa nakaraang taon.
Tingnan natin ang ilang laman nito sa loob.
Ang SIM ejector pin.
Isang transparent case.
Isang 66w charger na napakabilis.
At isang type-C cable.
Tanggalin natin ito sa kanyang plastik.
Itutulak natin at hihilain.
Wow. Makikita mo ang colorway.
Ang blush gold ay maganda.
Masasabi ko na ang kulay na ito ay nakakaakit
lalo na kapag nasisinagan ng ilaw, nagiiba-iba ito
parang bahaghari tapos silver o kung anong
kulay man na gusto niyo. Napakaganda at isa ito
sa mga gusto ko sa isang smartphone.
Sa ilalim makikita natin ang microphone-in,
USB type-C port at pati na rin ang loudspeaker.
Sa isang bahagi ay walang laman.
Nasa taas ang SIM tray at ang noise cancelling mic.
At subukan nating ilabas at tingnan.
Kaya nito ang dalawang Nano SIM at 4G capable.
Sa kabilang parte makikita natin ang volume rocker
at kasama ang power button.
Sa harap mayroon tayong 32MP camera.
Sa likod mayroon tayong 62MP quad camera
na sinamahan ng Nova logo sa ibaba.
At medyo may pagkakaiba ngayon na imbis na
may apat na camera modules, na napakalayo
mula sa isa't isa.
Itong isa na ito ay kakaiba kung tatanungin mo ako.
Unang una, masasabi ko na ang phone na ito
ay napakagaan. Ito ay may bigat lamang na 169g.
Masasabi ko na sobrang gaan nito.
Sobrang gusto ko ito. Napakadali nitong
ilagay sa bulsa.
Isa talaga ito sa aking gusto sa isang smartphone...
ang bigat.
Isa pang maganda rito ay ang curved screen.
Alam ko na kapag sinabi mong curved screen
ay mayroon lang sa isang flagship
pero ngayon sa isang midranger na kagaya ng Nova 8,
makukuha na ito sa phone na ito.
Ngayon bubuksan natin sa unang pagkakataon.
Makikita mo ang Huawei logo.
And syempre ito ang unang beses akong makakahawak
ng phone na pinapatakbo ng Harmony OS.
At nasasabik ako.
Ang display nito ay 6.57-inch OLED na may 90Hz
na screen refresh rate. Masasabi ko na kapag minax mo
ang brightness, napakaliwanag talaga.
At na-enjoy ko naman ang panonood ng pelikula,
ng YouTube, at ng Netflix sa phone na ito.
Nakapanood naman ako ng ilang bidyo
at ng ilang mga paborito kong pelikula sa Netflix
at korean novelas.
Nagustuhan ko talaga ang display. Ang liwanag nito.
Masasabi ko na ang 90Hz screen refresh rate
ay talagang kapansin-pansin kapag nanonood ka
ng mga pelikula rito.
Masasabi ko na nagamit ko naman ng todo
ang screen dahil ang itaas at ilalim na chin
ay napakanipis.
Alam niyo bang ang phone na ito ay pinapatakbo
ng Kirin 820E. Isa itong midrange chip
sa loob ng phone na ito.
Tingnan natin ang AnTuTu Benchmark score nito.
Nakakuha ito ng 390,000 na puntos. Para sa akin,
katamtaman lang ito para sa isang midranger.
Sa tingin ko nasa taas pa ito ng mga midranger
dahil nakakuha ito ng 390,000 na puntos
sa AnTuTu version 9.0.12.
Sa AITUTU Benchmark, nakakuha ito ng 67,000 na puntos.
Nakakuha rin ito ng matinong 3DMark na puntos na 4,009.
Subukan natin maglaro sa phone na ito.
Nasubukan kong maglaro ng Call of Duty dito
at na-enjoy ko ang larong ito lalo na kapag nagagamit mo
ang 90Hz na screen refresh rate. Napakaganda.
Masasabi ko na napakaswabe nito sa mata.
At syempre ang screen ay napalaki.
6.7-inch ang OLED at 90Hz na screen refresh rate,
maganda talaga.
Ngayon, kung tatanungin niyo ako kung ano ang kulang dito,
masasabi ko na wala itong stereo speaker.
May isang speaker lang ako na nasa kanan na bahagi
sa ibaba. Ang loudspeaker na nasa ilalim
ay medyo kulang.
Pero syempre pwede niyo lagi gamitin
ang paborito niyong bluetooth headphones
o pwede kayong magsaksak ng USB type-C na headphones
na kayang magpaganda ng inyong karanasan
habang naglalaro.
Ang gameplay experience ko rito ay napakaayos.
May mga 'di maiiwasang frame drops dito.
Pero sa pangkahalatan, okay naman.
Pero syempre, hindi ito ang pinakamagandang karanasan ko
sa paglalaro sa isang smartphone.
Pagusapan naman natin ang camera ng phone na ito.
May 64MP main sensor ito, may 8MP ultrawide lens,
2MP macro lens, at 2MP depth sensor.
At mayroon pa itong 32MP front shooter.
Pumunta tayo sa labas at kumuha ng ilang litrato.
Isa akong fan ng Huawei Nova series
dahil kaya nitong makakuha ng magandang litrato
kahit sa labas pa yan o sa loob man.
Mula sa Huawei Nova 7 series na karanasan ko,
naka-enjoy naman ako. At ang Huawei Nova 8
ay mas maganda kumpara sa Huawei Nova 7
pagdating sa mabilisang pag-focus.
At mas maganda rin pagdating sa madidilim na paligid.
Ngayon ang mga litrato kuha sa labas gamit
ang rear camera ay masasabi ko na maayos ito
at punchy.
Ang mga litrato ay malinis. Masasabi ko na malinaw ito
lalo na kapag kukuha ka ng litrato ng nasa loob.
Kaya nitong mag-adjust sa base sa sitwasyon
at bibigyan ka nito ng maganda at malinis
na litrato.
Ngayon pagdating sa selfies, masasabi ko na parehas lang.
Nakakuha ako ng magandang litrato sa labas,
sa loob, kapag madilim lalo na sa loob
ng isang coffee shop kung saan medyo madilim.
Kaunti lang ang ilaw doon ngunit nakakuha naman ito ng maayos.
Tingnan naman natin ang ilang bidyo mula
sa camera nito.
Ito ang front camera ng Huawei Nova 8.
Masasabi ko na maayos ito.
Binabalikan ko ang Huawei Nova series lalo na pagdating
sa camera nito.
May magandang camera ito na kayang kumuha
ng magandang vlogs, disenteng litrato
at syempre maangas na bidyo.
Ngayon, ang Huawei Nova 8 ay gumanda
pagdating sa disenyo. May curved screen ito
at may magandang likod.
Kahit na ang camera ay medyo may pagkamalaki,
masasabi ko pa rin na magaan ito.
Gustong gusto ko ang Huawei Nova 8 ngayon.
Nag-improve ito mula sa Huawei Nova 7.
Makikita natin na ang mga bidyo sa likod at harap na camera
na napakaayos at napakastable.
Masasabi ko talaga na maganda ito
maging isang vlogging phone kung gusto niyo
magsimula sa pagvlo-vlog.
Ang phone na ito ay may 3800mAh na batterya
pero kaya itong sumuporta ng hanggang 66W
na fast charging.
Inubos ko ang batterya nito hanggang 20%
at chinarge ko pabalik hanggang 100
gamit ang default cable at charger.
Gamit ang wattmeter, nakakuha ako ng 66W.
Totoo nga.
At syempre katulad ng pangako ng Huawei,
natapos ito sa loob ng 35 na minuto.
Napakabilis.
Ang maganda sa phone na ito ay kaya nitong tumagal
ng isang buong araw sa normal na paggamit.
Ang ilang magandang specs dito sa phone na ito
ay may in-screen fingerprint scanner
na mas responsive at Bluetooth 5.1
at Wi-Fi 5 capable na ito.
Ang isang ito ay tumatakbo sa ilalim ng EMUI 12.
Sa loob nito ay ang Harmony OS.
Ito ang unang pagkakataon na makasubok ako
ng Harmony OS.
Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking karanasan dito.
Masasabi ko na ang isang ito ay napakaswabe.
Masasabi ko na maganda ang karanasan ko dito
mula sa karanasan ko sa IOS o kaya Android.
Ang isang ito ay bago.
Bago ang mga icons dito.
Syempre sinubukan ko mag-install ng mga apps ko
rito sa phone na ito gamit ang Petal Search
o kaya ang Huawei App Gallery. Nag-respond naman ito.
Nakapaginstall ako ng lahat ng kailangan ko rito.
Napakadali lang.
Pumunta lang kayo sa app gallery at i-type niyo
ang inyong mga kailangan.
Kung 'di niyo mahanap doon, pumunta lang kayo
sa Petal Search app at baka nandun iyon.
Napakadali at napasimple lang.
Para sa akin, ang Huawei Nova 8 ay magandang device.
Kapag may ganito kang magaan, mura,
may magandang camera, gugustuhin ko talaga ito
bilang ang aking susunod na daily driver.
Napagusapan na natin ang lahat ng dapat nating malaman
dito sa Huawei Nova 8.
Masasabi ko na ang disenyo ay napakaganda.
Nakakaakit talaga ito. Nandito ang mga gusto ko
sa isang smartphone. Gusto ko ng magaan
at syempre gustong gusto ko rin ang curved screen dito.
Gusto ko rin ang display.
Isa ito sa mga nakakaakit sa Nova 8.
At syempre ang super camera at ang fast charging.
So irerekomenda ko ba ang phone na ito?
Oo. Lubos kong nirerekomenda ito bilang iyong susunod
na daily driver.
Gusto niyo na ba malaman ang presyo?
Ang Huawei Nova 8 ay may presyo ngayon
na Php19,990 para sa 8GB na RAM
at 128GB na storage.
Sulit ito. Mayroon ka na halos na flagship na specs,
flagship na disenyo, flagship na curved screen,
at camera.
Kung nagustuhan niyo ang bidyong ito,
huwag niyo kalimutan mag-subscribe
at syempre pinduting niyo ang bell icon
para wala kayong makakaligtaan na bidyo sa aking channel.
Ako si Richmond at ito ang Gadget SideKick.