Practice English Speaking&Listening with: XIAOMI MI 11 FLAGSHIP - Enter the World of Movie Magic!

Normal
(0)
Difficulty: 0

Ngayon ay hawak natin and pinakaunang Snapdragon 888

na phone sa aking kamay.

Ito ay ang Xiaomi Mi 11.

At isa nanaman to kung saan nauna and Xiaomi.

Tinapos talaga nila ang 2020 ng napakaganda

habang yung iba ay nahirapan sa taong 2020.

Pero ang Xiaomi ay nagkaroon ng magandang takbo sa 2020

at tinapos pa nila ito gamit ito,

nilabas nila sa China bago pa matapos ang taon.

Kaya gusto niyo ba malaman gaanong kaganda

ang phone na ito?

Tara. Panoorin natin ang buong bidyo.

Pagkatapos natin mabuksan ang Mi 11, ang tanging

masasabi ko lang ay wow.

Ang disenyo ay napakaganda at napakaayos.

Ang unang nagustuhan ko sa phone na ito

ay ang kanyang kapal.

Napakanipis nito at nakapagaan

sa aking mga kamay.

Syempre alam natin na mahilig kopyahin ng XIaomi ang Apple

simula pa noon.

Kahit ito ay kinopya nila.

Isang importanteng parte,

ang charger.

Kaya may dinagdag ako sa cart para lang makita ang Mi 11.

Napakaswerte ko lang na nakakuha ng isang 55W GaN charger

mula sa Xiaomi kung saan isa nanamang bago na bagay

mula sa Xiaomi.

Siguro ginawa lang nila to para makabenta sila ng charger

kasama itong Mi 11.

At oo, ang kahon nito ay napakanipis ngayon.

Masasabi ko na simula nung nilabas nila ang Mi 3,

kung saan meron ako ngayon dito...

Itong dalawang kahon na mga to ay halos parehas

pagdating sa nipis.

Ito ay noon pa.

Ang laki nila ay magkaparehas.

Nakabaliktad pala. Ayan. Ngayon ay nakaayos na.

Ito ang kahon ng Mi 3. Ito ang kahon ng Mi 11.

Ang nipis ay halos parehas lamang.

Ang nakakatawa lang dito ay pinapalaki lang nila

ng pinapalaki ang mga kahon nila kahit hanggang

sa Mi 10 Ultra.

Iyon ang isa sa mga pinakamatangkad na kahon

na aking nabuksan mula sa Xiaomi.

Tapos ngayon sobrang binawasan nila

hanggang naging ganito.

Tigilan na natin ang paguusap sa kahon nito.

Pagusapan na natin ang phone.

Hawak ko ngayon ang phone.

Ito'y merong Snapdragon 888.

Ito ang pinakauna na mula sa Xiaomi.

Ito ang pinakabagong Snapdragon

na 5nm na chipset.

Sayang nga lang hindi ito ang pinakauna.

Ang pinakauna ay na may 5nm na chipset ay galing sa Huawei

na ang Huawei Mate 40 Pro.

Ito ay may kasamang Adreno 660

na isang magandang GPU para sa phone na ito.

Syempre tingnan muna natin ang AnTuTu Benchmark.

Nakakuha ito ng 671,000 na puntos.

Para sakin medyo mababa iyon para sa phone na ito.

Sinasabi ng Xiaomi na ang ito ay may puntos na 730,000

sa lahat ng AnTuTu pero ito lang ang nakikita natin

pagkabukas natin nito.

Pero nagulat ako dahil nakakuha naman ako ng maayos na iskor

sa 3DMark. Ang iskor na nakuha ko

ay 7,459 sa Sling Shot Extreme

at para sa akin magandang iskor ito para sa paglalaro.

Para naman sa AITUTU Benchmark

kung saan sinusubukan ang AI na abilidad ng phone na ito.

Nakakuha ito ng 921,181 na puntos.

Sa tingin ko unang beses ko itong nakita ang ganitong

kataas na puntos.

Kadalasan sa ibang flagship katulad ng Snapdragon 865

nakakaabot lang ng 21,000 or kaya 22,000

pero itong Snapdragon 888 ay ngayon nakakuha

ng accuracy na 40,000 na puntos

at ito ay isang malaking hakbang sa chipset.

Itong phone ay may 6.81'' na screen

at nagsusuporta ng AMOLED 120Hz na refresh rate

at ito ay maganda.

Mayroon din itong HDR10 at 480Hz na touch sampling rate.

Ang isang nakakagulat sa phone na ito ay mayroon itong

bago lang na Corning Gorilla Victus

na proteksyon sa harap at Corning Gorilla Glass sa likod.

Di ko lang alam anong klase yung nasa likod

pero siguro nasa 5 or 6 ito.

Tapos, may aluminum frame ito na nagpapatibay sa phone na ito.

Pero may nakita ako sa Twitter na nagpost ng imahe

na sinira niya ang phone na ito

sa isang bend test.

Siguro galit lang siya sa bagong phone niya.

Di ko alam talaga bakit.

Mayroon dalawang klase and likod ng phone na ito.

Pwede kang mag Corning Gorilla Glass na likod

o kaya synthetic leather na likod.

Ang alam ko ito ay may anim na kulay.

Merong itim, may puti, at merong asul

para sa Gorilla Glass na likod.

Merong lila at khaki para sa synthetic leather na likod

at ang limited edition na may pirma ng Xiaomi Mi 11

ambassador na walang iba kundi si CEO Lei Ju.

Itong phone ay may tatlong klase.

Merong 8/128GB storage, 8/256 storage, o kaya ang 12/256GB.

Lahat sila ay UFS 3.1.

Ngayon tingnan natin ang screen.

Masasabi ko na mabilis naman ito tumugon.

Dahil sa 120Hz na screen refresh rate,

napakaswabe sa aking mata.

Ang mga galaw at pagpapalit ng screen ay napakaayos.

At nasanay na rin ako sa 180Hz na screen refresh rate.

Ang pagbabalik sa 60Hz ay siguro hindi ko gagawin.

Kadalasan ay naka 120Hz ako buong araw.

Ngayon, ang phone na ito ay may bagong teknolohiya

na tinatawag na Displaymate A+.

Makikita niyo sa aking screen ngayon.

Pwede kayo mamili ng screen resolution

mula sa FHD+

kung saan makakatipid kayo sa baterya

or kaya pwede niyo piliin ang WQHD+ kung saan

nagdadagdag to ng mas magandang quality

sa inyong display.

At alam niyo ba na ang phone na ito ay may

isang bilyon na color display?

Nakakamangha talaga pero totoo ito.

Ngayon, magpokus tayo sa camera.

Meron itong tatlong camera sa likod.

Sandali lang.

Bumalik sa tatlong camera?

Masyado na itong luma. Noong 2017 pa ata?

Ganun pa man, mayroon itong 108MP,

aperture na f/1.9 at kasama ang 13MP ultra wide lens,

at ang huli ay ang 5MP macro lens.

Kaya nito magbidyo ng hanggang 8K.

Kaya mo rin mag bidyo hanggang 4K 60 FPS.

Para sakin, ito ay napakaganda.

Meron din itong image stabilization para sa camera

na nagpapaganda sa kalidad ng bidyo ng sobra.

Ngayon, sa harap ay may 20MP na selfie camera

na kayang kumuha hanggang 1080p 30FPS na bidyo.

Tayong tumingin ng mga ilang kuha ko mula sa camera sa likod.

Makikita natin na maganda ito.

Ano pa ba ang masasabi ko?

Ang outdoor na kuha ay maganda. Napakatalas at makulay.

At...

Masasabi ko na ang kalidad ng mga kuha ko dito

ay hindi gaanong kalayo mula sa Mi 10 Pro

at Mi 10 Ultra.

Sa tingin ko parehas lang. Wala masyong naging pagkakaiba

sa camera nito.

Ngayon ay tingnan natin ang mga kuha sa harap na camera.

Okay.

Yung mga front na kuha ay napaayos.

Lalo na sa pagkuha ng bokeh na kuha sa phone na ito

at ang portrait...

Napakaganda. Makikita mo ang mga gilid.

Napakaayos ng pagkakahiwa.

Wala akong nakitang mga malalabo na parte

at wala ring pagkabaluktot sa tenga o buhok ko.

Napakasimple at linaw.

Napakaayos.

Ngayon naman tingnan natin ang ilang bidyo

mula sa likod na camera.

Wow. Masasabi ko na ang pagkuha ng 4K 60 FPS

sa likod na camera nito ay napakaayos.

Makikita mo na ang kuha ay napaka pirmi.

Nagbibidyo ako habang naglalakad

at ang isang kamay ko ay nasa aking bulsa.

Tamad akong tao.

Ayoko kong magbitbit ng mga ganung bagay

sa aking bag.

Kumuha lang ako ng nakaganito.

Naglalakad ng ganito.

At tingnan niyo ang resulta.

Hi guys! Ako si Mich002

at ngayon ay hawak ko ang Xiaomi Mi 11.

At ito ang itsura kapag nagvovlog

gamit ang kanyang harap na camera.

Napakaayos at hindi matagtag.

Masasabi ko na isa ito sa mga magagandang vlogging phone

para sa panimula ng 2021.

Okay. Pagkatingin sa bidyo ng front camera,

masasabi ko na medyo umaalog ito.

Hindi ito yung inaasahan ko sa phone na ito.

Inaasahan ko na mas maayos ito

pero ang likod na camera ay maganda.

Pero sa harap na camera na pang bidyo,

sa tingin ko masyadong matagtag lalo na 'pag nag lalakad ka,

mararamdaman mo na medyo maalog

pero hindi naman sobra katulad sa ibang camera.

Pero umasa pa rin ako ng onti.

Ngayon, tiningnan ko ang ilang zoom na kuha sa phone na ito.

Ito ang 1x.

Ito ang 10x.

Ito naman ang 30x.

Ngayong nakita ko na ang 10x at 30x,

magsasabi ko na ang kalidad ay maayos naman.

Ang 10x ang medyo maganda.

Ito ay halos kaparehas kapag lumipat ka sa aktwal.

Pero sa 30x makikita mo na medyo grainy na

pero yung kalidad ay hindi naman gaanong kasama.

Ngayon, itong phone na ito ay may stereo speakers.

Ang speakers nito ay isang Harman Kardon.

Masasabi ko na maganda ang tatak ng speakers na iyon.

Ang iba pang mga katangian ng phone na ito

ay ang in-screen fingerprint scanner,

at mayroon din itong Wi-Fi 6.

Mayroon din itong built-in NFC at Bluetooth 5.2.

Ang phone na ito ay may 4600mAh na baterya.

Kaya nito magcharge hanggang 55W.

Yun nga lang, walang charger na kasama sa kahon

kaya bumili pa ako ng 55W charger nito.

sinubukan ko i-charge ang phone na ito gamit

ang 120W na charger

na binili ko kasama ang Mi 10 Ultra.

Inubos ko ang baterya nito hanggang 19%.

At syempre i-chacharge ko gamit itong 120W.

Kasama ng kable na kasama ng 120W...

Alam niyo ang nangyare?

Ang nakuha ko lang at 42W.

Nakakagulat mula sa isang Snapdragon 888 na chipset.

Pinangako nito na dapat 55W

pero base sa aking wattmeter, 42W lang ang nakuha ko.

Ang charging time ay 44 na minuto

mula 19%-100%.

Ang Xiaomi ay nagbigay ng pangako na kaya mo mapuno

ang baterya sa loob ng 45 na minuto.

Siguro mas naging mabilis ito kung naabot niya ang 55W.

Ngayon ay sinubukan ulit natin i-drain ang baterya

hanggang 15% at gumamit naman tayo ng ibang charger.

Ngayon, gamit natin ang 55W GaN charger mula sa Xiaomi.

At hulaan niyo. Naabot ko ang 52W sa charger na ito.

Kakaiba pero iyon ang pinakita ng wattmeter ko.

Inabot lang ako ng kulang kulang 42 minutes

para matapos ang charging cycle

mula 15% hanggang 100% gamit ang charger na ito.

Ngayon, nilagay natin ang phone

na ito sa isang battery stress test

gamit ang PCMark battery stress test

at hulaan niyo.

Gamit ang 50% brightness, nakakuha ito ng 8 na oras

at 52 minutes.

Para sa akin...

Flagship phone ito at ganitong number lang nakukuha ko?

Parang di talaga okay.

Siguro mas mabuti kung 9 na oras na screen-on time man lang.

Ngayon gusto ko magkomento kung ano ang nangyayari sa Mi 11.

At tama, ang Xiaomi ay gumagaya lang sa Apple simula nun.

Simula nung tinanggal ng Apple ang kanilang charger

mula sa kahon ng iPhone 12,

naglabas ng isang imahe ang Xiaomi sa Twitter.

Pinagtawanan ang Apple na sinasabi nila na

meron parin silang charger.

Pero tingnan niyo ang Xiaomi ngayon.

Wala na silang charger.

Ang ginawa nilang to ay napakasama para sa mga mamimili.

Bakit? Ang mga nagawa ng phone ay palaging

nagsasama ng pinakamainam na charger para sa isang phone.

Ito na isang flagsip,

sumusubok pa ako ng kung ano-anong charger

ang okay para dito.

Mukhang ito naman ang pinakatumugma.

Ang 55W na binili kong charger

ay nakakakuha ng 52W.

Pero sa kabilang dako, ang 120Hz ay nakakakuha lamang

ng 43W at ito ay napakagulo talaga

kung ano ba ang nangyayari sa phone na ito.

Kaya ayun.

Gusto ko talaga sabihin na sana magisip-isip ulit ang Xiaomi

at ibalik nila ang charger na pinakatugma

para sa susunod na flagship na ilalabas nila.

Ang phone na ito ay may kasama ring 55W wireless charging

at 10W reverse charging

para makapagcharge ka ng ibang phones

or kung may emergency ka.

Meron din itong PD 3.0 at QC 4.0+

Bago natin ang pagsusuring ito,

ito ang isang pasilip kung paano ang paglalaro

sa phone na to.

Ngayon ay nilalaro ko ang Call of Duty.

Kaya ko gamitin ang lahat ng high settings sa phone na ito.

Ang gameplay ay napakaayos naman.

Masasabi ko na ang dual speakers na Harman Kardon

ay naglalabas ng tunog na maganda.

Ang tunog nito ay napakaimmersive.

Masasabi ko na sobrang gusto ko ang tunog nito.

Maayos namang ang tunog na nilalabas sa magkabilang dulo.

Mas nagiging immersive ang paglalaro niyo dahil dito.

Nakakaenjoy itong phone na ito.

Ngayon ay manonood naman ako ng YouTube na bidyo

gamit itong phone.

Masasabi ko na napakaayos naman.

Ang kalidad naman ng mga imahe ay gumanda

mula sa Mi 10 Ultra na meron ako.

Sinubukan ko na ipagtabi sila.

Hindi ito gaanong kapansin-pansin

pero masasabi ko na mas okay talaga sa phone na ito

kaysa sa Mi 10 Ultra.

Ano ang tingin niyo sa phone na ito na ang Mi 11?

Pinakabagong flaghsip from Xiaomi

na may kasamang Snapdragon 888

at 108MP camera.

Masasabi ko na...

bago ang disenyo.

Napakagaan.

Ang tunog ay maganda.

Ang mga imahe ay maganda.

Pero kung ikaw ay katulad ko na galing sa Mi 10 Ultra,

sa tingin ko ay mas maayos parin na mag Mi 10 Ultra

ka pa rin.

Ang mga pagbabago sa phone na ito kung ihahambing

sa Mi 10 Ultra ay hindi gaanong kapansin-pansin.

Lalo na kung titingnan natin ang iskor sa AnTuTu benchmark,

ang Mi 10 Ultra ay nakakuha ng 640,000 na iskor

at ito ay 670,000 naman.

Ang pagbabago nito ay hindi gaanong kalaki.

At ang Mi 10 Ultra ay pangalawa pa rin sa DXOMARK.

So ayun.

Sa tingin ko if mayroon ka namang Mi 10 Ultra,

manatili ka na lang dun.

Pero kung ang phone mo ay Mi 9,

sa tingin ko okay na upgrade na ito para sa ngayon.

Kung may mga komento kayo, magsulat na lang kayo sa baba

at pagusapan natin.

Kung nagustuhan niyo ang bidyo na ito,

wag niyo kalimutan na mag like,subscribe

at pindutin ang bell icon para wala kayong makaligtaan

na mga bidyo ko dito sa aking channel.

Sana magkita-kita muli tayo sa aking susunod na bidyo.

Paalam!

The Description of XIAOMI MI 11 FLAGSHIP - Enter the World of Movie Magic!