Napansin niyo ba na ang damit ko ay isang POCO na kamiseta?
At siguro alam niyo na naman na ilalabas na ang isang bagong
POCO na telepono.
At...
Tama ang hula niyo.
Ito ang POCO X3 Pro.
Hawak ko na ito at tara buksan natin.
(panimulang musika)
Nakita niyo na sa wakas ang pabukas natin
ng POCO X3 Pro. At masasabi ko na ito ay may
halos kaparehas na disenyo katulad ng sinundan nito
na ang POCO X3.
May isang pagkakaiba ito para malaman niyo
na ito ay isang POCO X3 Pro.
Makikita niyo sa gilid ng likod, may matte finish ito.
Pero sa gitna, ito'y glossy finish.
Yan ang tanging pinagkaiba ng telepono na ito
at ng POCO X3.
Siguro alam niyo na mayroon itong Snapdragon 860 chip
na pinakabago ng Qualcomm at siguro ang pinakamalakas
na 4G chip ngayon.
Ito ay isang 2.96Ghz octa-core 7nm chip
na kung saan ito siguro ang isa sa mga pinakamabilis
na processor para sa panglaro.
Ngayon, alam niyo ba na ang teleponong ito
ay may tatlong kulay?
Meron itong phantom black, ang frost blue,
at syempre ang metal bronze.
Ano sa tatlo ang paborito niyo?
Dalawa lang ang variant ng telepono na ito.
Ang isa ay 6/128GB na storage o kaya yung isa
na 8/256.
Siguro mas nakakaakit ang 8/256.
At parehas silang UFS 3.1 ready.
Magbibigay ako ng surpresa para sa isang 'to.
Para sa marka sa AnTuTu, nakakuha ito ng 470,000 na puntos
na kung saan sobrang nakakamangha
para sa isang upper midrange.
At ito ay nasa POCO X3 Pro.
Pagtingin sa iba pang benchmark, makikita natin dito
sa AITUTU na nakakuha ito ng 230,000 points.
At sa DRM info, nakakuha ito ng Level 1 widevine
security level na ibig sabihin ay makakapanood ka ng HD
sa teleponong ito.
Ngayong nabanggit natin ang HD, ang teleponong ito
ay may kasamang 6.57'' IPS LCD FHD+.
At alam niyo ba na ito ay mayroon ding
Corning Gorilla Glass 6 na sobrang tibay.
Ito ay mayroon din kasamang 240Hz touch sampling rate
at 120Hz ng screen refresh rate.
Kamusta naman, noh?
Mayroon itong 3D curve na likod na gawa sa plastik
na may plastik na frame na bumubuo sa panglabas na disenyo
ng teleponong ito.
Ngayon, tingnan natin ang mga bidyo dito sa YouTube
at masasabi ko na ang panonood ng mga bidyo
sa teleponong ito ay napagandang karanasan.
At alam niyo ba na ang teleponong ito
ay may kasamang dual speaker hi-res audio?
Napaka-immersive nito at binigyan talaga ako
ng magandang karanasan nito habang nanonood ako
ng paborito kong palabas.
Kahit na hindi pa rin AMOLED ang teleponong ito,
masasabi ko pa rin na ang IPS LCD dito
ay isa sa mga magagandang klase sa ngayon sa merkado.
Ngayon, nasabi ko sa inyo na maganda ang karanasan ko
sa itong teleponong ito.
Bakit hindi natin subukan sa paglalaro?
Sa paglalaro ng Call of Duty,
kaya ko ilagay ang lahat sa max.
At masasabi ko talaga na ang ganda ng paglalaro ko dito.
At meron pa rin kaunting frame drops.
Imposible talagang masabi ko na wala talagang frame drops.
Pero sa paglalaro ko dito, ang 120Hz ay napakaswabe talaga.
At sobrang nagustuhan ko talaga ang paglalaro ko
sa teleponong it.
Ang dual speakers sa teleponong ito ay nagpapaganda talaga
pagdating sa departamento ng audio nito.
Ngayon, ang teleponong ito ay mayroon ding
side-mounted fingerprint scanner na sobrang bilis tumugon.
Tingnan niyo.
'Di na masama.
Sinamahan din ito ng NFC at mayroon ding
Liquid cooling technology 1.0+
Pagkatpos ko maglaro rito ng mga dalawang oras,
masasabi ko na 'di ito sobrang naginit.
Pero pwede naman kayo laging gumamit ng cooling attachment
katulad na lamang ng Black Shark cooler.
Ang teleponong ito ay may 48MP f/1.79 na aperture
na sinamahan pa ng 6P lens para sa kanyang
pangunahing camera.
Mayroon din itong 8MP ultrawide lens,
2MP macro lens, at 2MP depth sensor.
Kasama ng 20MP camera sa harap na mayroong aperture
na f/2.2.
Tingnan kaya natin ang mga larawan mula sa teleponong ito?
Kahit na ang camera ng teleponong ito ay binabaan
mula sa 68MP papuntang 48MP mula sa POCO X3,
masasabi ko pa ring maganda pa rin ang mga kuha
sa labas at masasabi ko na punchy ang mga ito,
maliwanag ito, at napakatalas ng mga kuha.
Sa pagkuha ng lowlight na larawan, maganda rin ang resulta
sa teleponong ito.
Tingnan naman natin ang mga larawan mula
sa harap na camera.
Masasabi na sa labas, napakaliwanag ng mga kuha.
Napakaganda ng mga kuha pagdating sa labas.
At sa mga kuha sa loob, masasabi ko na gamit
ang potrait mode, naging okay ang mga ito.
Kaso sa ilang sulok ng aking mukha, masasabi ko na
ang ilang sa mga ito ay medyo may pagkamalabo.
Ngunit gayun pa man, maayos parin naman.
Nag-record ako ng ilang bidyo sa teleponong ito
gamit ang 1080P 30 FPS na kung saan mayroong
stable mode,
at gamit ang 4K 30 FPS na walang stable mode.
Tingnan niyo.
Ito ang kalidad ng
stabilized mode ng POCO X3 Pro
na 1080P 30 FPS.
Tingnan niyo. 'Di siya nauga.
Subukan kong ugain ng kaunti.
'Di talaga masyadong nauga.
Guys, ngayon ay nagre-record ako ng 4K 30 FPS
gamit ang POCO X3 Pro at masasabi ko na ang imahe
ay mas mas maganda kaysa sa 1080P na bersyon
pero di siya ganung ka-stable.
Mas nauga siya kaysa sa 1080P na variant.
Ayun. Masasabi ko na
ang imahe ay okay naman.
Kung may gimbal ka nga lang.
Masasabi ko na maganda ang parehas.
Kaso ang 4K 30 FPS ay syempre mas maganda ang depinisyon
at mas punchier
pero mas nauga siya ng kaunti kumpara sa 1080P 30 FPS.
Pero syempre pwede ka namang gumamit ng gimbal
para ganap mong magamit ang teleponong ito.
Tingnan naman natin ang kakayahan nito pang vlogging?
Guys, ito ang itsura niya kapag ako ay nagvo-vlog
gamit ang aking POCO X3 Pro.
Masasabi ko na
ang camera ay medyo malapit sa aking mukha.
At ayun, halos
isang kamay lang ang distansya
base sa...
Sobrang pinahaba ko na ang aking braso.
At ayun, medyo malapit pa rin.
Maganda pa rin naman ito para sa isang napakalapit
na karanasan sa pagvo-vlog.
Pero sa pangkalahatan,
siguro kailangan ng selfie stick para lang mapalayo pa ito.
Opinyon ko lamang ito.
Okay pa rin naman.
Kaso masasabi ko lang na medyo may pagkamalapit ito
sa aking mukha.
Yan lang ang aking masasabi.
Ngayon guys, siguro napansin niyo na
na ang baterya sa teleponong ito ay binabaan din.
Mula sa 6,000mAh ng POCO X3,
ngayon ay 5,160mAh na lang para sa teleponong ito.
Mayroon din itong 33W fast charging na kakayahan
at naubos ko na agad ang teleponong ito hanggang 20%
at kinargahan ko ito hanggang 100%.
Inabot lang ako ng isang oras at walong minuto
at nakaabot ito ng 33W.
Sa normal na paggamit ko nito, tumagal naman ito
ng higit isang araw.
Mga isa't kalahating araw bago ko kailangang kargahan ito
sa charging dock.
At binigyan ito ng PCMark ng labindalawang oras
na screen-on time na para sa akin ay di na masama.
Ito ay isang performer
parehas sa baterya at syempre sa multitasking.
Ngayon guys, ano ang masasabi niyo
sa teleponong ito?
Para sa akin, nagustuhan ko ang pagkakayari nito,
kaso medyo may pagkamabigat nga lang ito.
At ang bigat nito ay di nangangahulugang
malaki na rin ang baterya at kung saan sa tingin ko
kaya na sana nilang ilagay ang 6,000mAh dito.
Pero syempre, meron talagang magiging pagkukulang
'pag gumamit ka ng mas malaking processor.
Kapag mabilis ang processor,
minsan ang baterya ang natatatamaan.
Ano ang masasabi ko sa teleponong ito?
Itong POCO X3 Pro, masasabi ko na napakaayos nito.
Napaka-performer nito pagdating sa paglalaro,
camera, at multitasking.
Para sa pangaraw-araw na gamit, ito ay isa sa mga
dapat niyong ikonsidera bilang iyong susunod
na daily driver.
Para sa akin ay parang isang flagship killer ito.
At syempre, 'wag niyong kalimutan na mag like at subscribe
at pindutin niyo ang bell icon para hindi niyo
makaligtaan ang kahit anong susunod na mga pagsusuri ko
dito sa aking channel.
So laging magingat at sana'y makita ko ulit kayo
sa susunod na episode.