Practice English Speaking&Listening with: Lenovo Legion Duel 2 Gaming Smartphone - 8 Game Triggers?!

Normal
(0)
Difficulty: 0

Mayroon ako rito bangong kahon

at ito ay isang bagay galing sa Legion,

Lenovo Legion.

Ito ang Lenovo Legion phone Duel 2.

Makikita natin na maganda ang kahon nito at medyo mabigat.

At ang mayroon tayo rito ay ang 12GB na RAM

at 256GB na storage. At ang kulay nito

ay ang ultimate black.

Buksan na natin ito.

(panimulang musika)

Hi guys! Ako si Richmond ng Gadget SideKick

at maligayang pagbabalik sa aking channel.

Mayroon tayo ngayon ang mabigat na kahon

ng Lenovo Legion. At makikita niyo na ang ayos-ayos.

Gumagawa lagi sila ng kakaiba sa mga kahon nila.

Makikita niyo ang Legion dito.

Kailangan lang natin higitin ang tab nito.

Dalawang tabs pala. At may magandang mangyayari.

At makikita niyo na ang kahon ay umangat.

Okay. Kakaiba talaga ito. Okay.

Makikita niyo ang "Savage inside."

At tanggaling na natin ang phone mismo.

Bago talaga ito.

Bago iyan, tignan muna natin ang iba pang kasama nito.

At ito ang "Stylish outside."

At "Savage inside."

So sa loob nito ay ang type-C

to audio jack adapter na ibig sabihin

ay walang 3.5mm audio jack port.

Mayroon din tayong case rito na solido.

Mayroon tayong SIM ejector pin dito,

na sinamahan ng quick start guide.

Ilabas na natin ang isa pang kahon.

Ito ang mga chargers, cables, at...

Tama nga ako, may dalawang cables nga rito.

Dalawang USB type-C to type-C cables.

Sa kabilang side ay ang malaking brick natin.

Wala ng iba pang laman ang kahon.

Pagusapan na natin ang phone.

Kagaya ng nakagisnan natin, isang paborito natin

ay ang magtanggal ng ganito.

At gusto ko ang kulay nito. Okay ang kulay dito.

Ito ang ultimate black na kulay.

Makikita niyo sa likod ay kumikinang-kinang.

Talaga namang fingerprint magnet.

Makikita niyo may fan dito, may LED lights dito,

ang camera naman ay nandito rin.

At sa kanan na parte ay ang power button

at may shoulder triggers din dito.

At alam niyo bang may mga triggers dito.

May isa rito, tapos isa pa rito...

Isang trigger dito, at isa pa rito.

At may dalawa pang triggers sa likod.

Mas makatotohanan ang paglalaro rito

at mas maraming pisikal na triggers kang magagamit.

Ang phone na ito ay medyo may kabigatan at kakapalan.

Sa ilalim ay ang USB type-C port na sinamahan

ng SIM tray.

Ang alam ko, ang SIM tray ay 5G ready na.

Meron tayong dalawang SIM na nababaliktad.

Pwede lagyan ito ng dalawang Nano SIM.

At syempre 5G capable itong phone na ito.

Ngayon ay binubuksan na natin. Makikita natin ang Lenovo logo.

Ang ganda.

Sa kabilang banda naman ay isa pang charging port.

Ginagamit ito para sa dock o kaya pwede ring

isa pang charging port.

Nandito rin ang volume rocker.

Sa taas naman ay ang noise-cancelling mic lang.

Ang gusto ko sa phone na ito ay wala itong camera sa harap.

May pop-up camera tayo rito kung saan ito ay aangat

kapag ginamit niyo ang selfie camera.

Makikita niyo rito ang default screen.

Kapag nagswipe up ka makikita mo ang app drawer.

Nandito ang lahat.

Pag binaba mo makikita mo ang lahat ng menu rito

kung saan malinis at maayos. Masasabi kong organisado

mula sa Lenovo Legion.

Ngayon ay ipapasyal ko kayo sa mga benchmark

na nakuha ko sa phone na ito.

Mayroon tayong napakataas na 827,000 na puntos

para sa AnTuTu Benchmark. Inaasahan na natin ito

dahil Snapdragon 888 nga ito.

Di ko inaasahang mababa ito.

Sa AITUTU Benchmark, nakaiskor din ito

ng 197,000 na puntos at okay naman ito.

Ito ang nakuha ko mula sa 3DMark

at makikita niyo sa Wild Life nakakuha ito

ng 5,926 na puntos.

Ang phone na ito ay may malaking screen.

Halos 7-incher na ito na may 6.92-inch

na screen size. Halos bezel-less na ito.

At ang nagustuhan ko rito ay wala itong kahit

anong punch hole sa screen.

Syempre mas maganda ang karanasan mo rito

kapag wala yung butas sa gitna, sa gilid o kung saan man,

pwera na lang kung under-display camera ito.

May AMOLED display ito na sinamahan ng 144Hz

na screen refresh rate. HDR10+ at 1,300 nits na brightness

ang pinakamaliwanag nito.

1080p display ay syempre 388 PPI density.

Alam niyo naman na Corning Gorilla Glass 5 ito

na grabeng nagpatibay sa phone na ito

lalo na sa gasgas.

Syempre gusto kong pagusapan natin

ang panonood dito at nanood ako ng

mga paborito kong palabas dito sa YouTube.

Maganda nga manood dito at masasabi ko

na ang display nito ay napakalaki

dahil halos 7-incher ang screen size nito.

Na-enjoy ko ang bawat segundo ko rito

lalo na kung maganda ang tunog na galing sa gilid.

At masasabi ko talaga na na-enjoy ko ito

dahil ang screen brightness ay kayang umabot ng 1,300.

At masasabi ko na maganda ang karanasan ko rito.

Makikita niyo sa likod ay may breathing effect.

Pwede natin ibahin ito rito.

Okay. Sa loob ng Legion Realm, makikita natin

ang ilang lighting effect.

Tignan natin ang ibang effects dito.

Pwede mo gawing flow, cycle, breath, at spin kung gusto mo.

Makikita mo na ang lighting effect

ay gagana lang kapag naglalaro ka.

Okay. Susubukan natin ang isang to, ang spin effect.

Ayan na.

Ngayon ang refresh rate ay nakalagay sa 144Hz

at ito na ang pinakamataas.

Mabilis maubos baterya niyo kapag nakaganyan.

Ito naman ay magkukusang ibahin yung refresh rate

sa pinakamabilis kapag naglalaro kayo.

Syempre nakadepende parin sa laro.

Pagusapan naman natin ang camera sa phone na ito.

'Di natin dapat minamaliit ang camera nito

dahil may dual camera ito.

Ang dual camera ay medyo luma na.

Okay. May 64MP module ito.

At may 16MP ultrawide sensor na sinamahan

ng motorized camera na 44MP front-facing camera.

Tignan natin.

Okay.

Ulit.

Makikita niyo ang pop-up camera

ay mabilis. Tingnan natin...

pitikin ng kaunti. Syempre kapag may sumagi

ay babalik ito para hindi masira.

Dinala ko ang phone na ito sa labas

at kumuha ako ng ilang litrato. Syempre may pandemic ngayon

at may lockdown tayo ngayon kaya hindi masyado

ako nakakuha ng maraming litrato pero masasabi ko

na ang outdoor shots ay maayos naman.

Ang ilang indoor shots ay maayos parin naman

pero hindi lahat ay maganda. Ang ilan ay grainy.

Hindi talaga ko naghahangad ng mataas

sa phone na ito dahil isa nga itong gaming phone.

Mas nakatuon ito pang gaming kumpara

sa pagkakaroon ng magandang camera.

Pero syempre masasabi ko na maayos pa rin naman.

Ngayon selfie shots naman. Maayos din naman.

Wala naman akong mareklamo dahil 'di naman talaga ako

umaasa ng malaki mula rito.

Sinubukan ko ang dual camera mode.

Makikita niyo rito na medyo umuuga.

Pero sa pangkalahatan, masasabi ko na maayos

naman ang resolution. Ang harap at likod

na camera ay maayos. Pero ang front camera

makikita niyo na medyo nahihirapan umayos

base sa ilaw lalo na kapag dumidilim.

Disente pa rin naman.

Ngayon ay pagusapan natin ang baterya ng phone na ito.

Inubos ko naman ang baterya nito hanggang 19%

at sinaksak ko ang parehas na USB type-C port dito.

Natapos ko ang pagchacharge sa loob ng 30 na minuto.

Napakabilis nito. Masasabi ko na

dahil sa dalawang USB type-C port na nakasaksak,

bumilis ang pagcharge nito. Pero syempre naramdaman ko

na uminit ito rito.

At alam niyo bang kaya tumanggap ng phone na ito

ng 65W sa iisang port?

At 90W sa dual port charging.

Kagaya ng na-advertise, makikita na ipinangako

na makacharge ng 100% sa loob ng 30 na minuto

at totoo nga.

Ang baterya na ito ay 5,000mAh.

At kasama ng 90W na charger, syempre kailangan niyo

gamiting yung dalawang cable magkasama.

Pero kung isang charger lang, 65W lang.

Pero mabilis parin ang 65W.

Para sa ultimate test, sinubukan natin ang screen-on time test

at nakakuha tayo ng 8 na oras at 30 na minuto.

Hindi ako masyado umasa ng napakatagal

ng long-lasting na baterya sa isang gaming phone

dahil ginawa talaga ito para maglaro.

At mas malakas talaga ito kumain ng baterya

kumpara sa normal na phones.

May dalawang kulay ito, may ultimate black

at may titanium white.

Syempre mas gusto ko ang titanium black

para sa mas okay na kulay.

Ito ang settings na kaya nito sa Call of Duty.

Kaya lahat ng settings na i-maximum.

Ang nagustuhan ko sa Lenovo Legion phone Duel 2

ay may walong triggers ka.

So may dalawa ka rito, may dalawa ka sa kanan,

dalawa sa likod, at may apat na 3D touch dito

sa screen.

Ayusin natin.

So L1...

Ngayon ay magayos muna tayo.

Ilagay natin L1 dito.

Tapos R1 dito. Okay.

Pwede rin natin ilagay ang L2 at R2.

Ilagay natin sa scope ang L2.

Ilagay natin ang R2 dito.

Okay. So...

Okay. Nalagay na natin lahat.

At napakaganda na pwede mo matignan

ang frames per second. Mayroon tayo ngayong 60 FPS

144Hz na screen refresh rate ngayong Call of Duty.

Binuksan natin ang fan.

Ngayon ay makikita niyo na naayos natin kanina

na mag-stream.

Makikita niyo ang kagandahan ng ilaw sa likod.

Makikita niyo ang gameplay dito

sa Lenovo Legion phone Duel 2 para sa Call of Duty

na ang ganda. At makikita niyo

na kada isang putok ng baril ay asintado.

At masasabi ko na ang lahat ng pindutan

dito sa taas...

At sinasanay ko pa rin ang sarili ko sa pindutan

na malapit sa camera, ang M1 at M2.

Pero nadalian naman ako sa L1, L2, R1, R2.

At na-enjoy ko naman ito lalo na dahil

sa haptic sounds gamit ang dalawang

linear speaker sa ibaba. Naramdaman ko talaga

ang laro. At syempre sa paglalaro ng Call of Duty,

halos walang frame drops at lags. At nalagay ko

lahat ng settings sa maximum.

Nakapaglaro ako ng halos isang oras

ng walang tigil, at masasabi ko

na ang cooling system sa likod ay maayos naman.

Hindi ito naging masyadong mainit dahil may fan sa likod

na kayang magdisperse ng init mula sa likod.

Masasabi ko na ang paglalaro sa Lenovo phone Duel 2

ay napakaganda at isa sa mga magaganda

na napaglaruan ko sa kahit anong gaming phone

na nagamit ko dito sa channel.

Ano ang opinyon niyo sa phone na ito,

ang Lenovo Legion Duel 2?

Naniniwala akong maganda itong phone na ito.

At maniwala ka sa akin. Medyo mabigat nga lang siya.

Kaya nitong makipaglaban sa ibang mga brands

katulad ng Asus ROG at syempre ang Black Shark

at iba pang malaking mga pangalan

sa gaming industry.

Ngayon, kung tatanungin niyo ako, nagawa ko namang

magenjoy at maunlock lahat ng settings sa Call of Duty

at sa ibang laro.

Nagamit ko lahat ng settings mula sa phone na ito.

Ang walong triggers ay talaga naman

ang pinakamagandang parte sa phone na ito.

Ang paggamit ang mga triggers na ito ay talagang

makakapagbigay sayo ng kalamangan

pagdating sa gaming.

Mas magugustuhan ko kung pisikal ang pindutan

pero syempre kung magkakaroon ng walong

pisikal na pindutan sa isang smartphone

ay magmumukhang 'di maganda na sa isang phone.

Ang mga touch-sensitive buttons na ito ay okay na.

Kung gusto niyo malaman kung saan ko nabili

ang phone na ito, ilalagay ko ang link sa ibaba.

Kung nagustuhan niyo ang bidyo na ito,

huwag niyo kalimutang maglike, subscribe,

at syempre pindutin niyo ang bell icon sa ibaba

para wala kayong makaligtaan na mga

susunod na bidyo ko rito sa aking channel.

Ako si Richmond at ito ang Gadget SideKick.

The Description of Lenovo Legion Duel 2 Gaming Smartphone - 8 Game Triggers?!