Meron tayo dito ang pinakabagong
dilaw na kahon mula sa ating mga kaibigan sa UMIDIGI
at ito ay bago lang.
Ito ang UMIDIGI A11.
So, nasanay tayo sa puting kahon
pero sa pagkakataong ito, nagiba sila ng kulay.
At makikita niyo rin dito ang kanilang bagong logo.
Pabilog na ito katulad ng ibang icons
sa ibang plataporma.
At buksan na natin.
(panimulang musika)
Hi guys! Ako si Richmond ng Gadget SideKick
at maligayang pagdating sa aking channel.
So ngayong araw, kakatapos lang natin buksan
ang UMIDIGI A11.
At sasabihin ko sa inyo kung bakit ay sobrang nostalgic
para sa akin. At makikita mo na
parisukat at patag ang likod nito.
At ang gilid nito ay napakapatag din.
Naalala ko rito ang iPhone 4S na meron ako noon.
Iyon ang pinakaunang telepono ko na binili ko mula
sa aking ipon.
At talaga namang 'di kalimot-limot iyon.
At ito ay maraming pagkakatulad,
ang itsura, ang laki... pero syempre ang IOS
ay mas maliit ng kaunti at may pindutan dito sa ilalim.
Ito ay tiyak na isang Android system.
At nagulat ako nag gumawa sila ng throwbacks
para sa disenyo. Siguro nawawalan na sila
ng mga naiisip ngayon. Gayon pa man,
napakanostalgic nito para sa mga taong katulad ko
na nagkaroon ng iPhone 4S o kahit na ang iPhone 4,
halos parehas lang naman sila.
So, ang teleponong ito ay may MediaTek Helio G25.
Meron akong 4GB na RAM 128GB na bersyon dito
sa aking kamay.
So ngayon sa aking kamay ay ang kulay na frost grey.
May isa pang kulay na tinatawag na mist blue.
Pero mas gusto ko ito.
Alam naman natin ang G25 ay mas mababa
na midrange.
Ang iskor nito ay 108,000 na puntos dito sa AnTuTu
na kung saan 'di naman ganung kataasan.
Pero kung manghahangad kayo ng mas mataas,
siguro subukan ko ang G25.
May 54,000 puntos ito sa AITUTU.
Level 3 Widevine Security dito sa DRM Info.
So sa pag swi-swipe pakaliwa at pakanan
sa teleponong ito, masasabi ko na maayos naman.
'Di naman ako nakaranas ng kahit anong lags
sa teleponong ito.
Yeah. Wala talaga. Nakakagulat.
Ang UMIDIGI A21 ay may mapagbigay na screen.
May 6.3-inch IPS LCD HD+ na kung saan tiyak na 720p.
At masasabi ko na maliwanag ito
kapag nanood ako ng mga pelikula, lalo na pag gabi.
At nilagay ko sa pinakamaliwanag, napakalinaw niya.
Siguro ang isa sa mga 'di ko nagustuhan dito
ay ang baba niya ay napakakapal. Tingnan niyo.
Bukod doon, ang bezels ay manipis bukod sa baba.
'Di niyo naman pwede makuha ang lahat.
Sa panonood ng mga pelikula sa YouTube at Netflix
sa teleponong ito, masasabi ko na
sobrang nag-enjoy naman ako, ngunit ako ay...
mas sanay ako sa stereo surround sound dual speakers
sa mga smartphones. Ito ay may isang
single-firing audio loudspeaker lang sa baba
na para sa akin ay kulang pa.
Pero samakatutal, kaya parin nitong mapuno
ang isang kwartong mas malaki ng onti sa 10 sq-m.
Okay parin naman ito.
Ang viewing angle ng teleponong ito ay maganda.
Masasabi ko na ang teardrop notch
ay 'di masyado sagabal dito 'di katulad sa iba na mas malaki.
Masasabi ko na ito ay nasa tamang level lang.
Ngayon ay mabilisang maglalaro muna tayo
ng Call of Duty. Masasabi ko na may nararamdaman
akong lags dito at syempre kaunting frame drops.
Ang G25 ay hindi masyadong pang-gaming na processor
para sa akin.
Pero sinubukan kong ibaba ang mga settings.
Kaya lang nitong ibigay sayo ay low graphics
at syempre pwede mong ilagay sa high frames dito.
Binabaan ko lang ng kaunti para malaro ko ng maayos.
Natapos ako pagkatapos ng 30 na minuto
at masasabi ko na kaya pa rin namang malaro.
Pero syempre, kailangan niyo lang babaan ng kaunti
para malaro niyo ng maayos ang laro.
Pero syempre, mararamdaman niyo pa rin
yung mga kaunting frame drops at yung mga lags.
'Di talaga maiiwasan iyon.
Ngayon, ang UMIDIGI A11 ay mayroong
mga magagandang cameras na ipinasok dito.
Meron itong 16MP na main camera,
8MP na ultrawide lens, at 5MP macro lens.
Kumuha ako ng ilang outdoor shots at masasabi ko
na okay naman, ngunit medyo mahirap
i-focus ito.
Ang pag-focus nito ay medyo mabagal
kaysa sa usual.
Syempre kung ikukumpara sa ibang mahal na telepono,
ang pag-focus nito ay medyo mabagal.
Pero kung kaya mo ma-focus ng tama,
makakakuha ka naman ng magagandang kuha katulad nito.
Sa mga kuha mula sa 8MP na front camera,
masasabi ko na minsan maganda ang kuha
at minsan panget naman.
Tumatama naman ngunit nagmimintis din.
Sabi nga nila, nakadepende sa inyong lighting.
Ngayon, isa sa mga surpresa rito ay naka Android 11 nito
at naka USB type-C port na.
Ang teleponong ito ay may kasamang 5,150mAh
na batterya na kaya sumuporta hanggang 10W
na fast charging. At medyo mabigat ito
dahil 210g ito.
Ang teleponong ito ay mayroon ding hybrid SIM
na kung saan pwede kayo maglagay ng dalawang Nano SiM
ng sabay o kaya isang Nano SIM plus isang microSD card
na kung saan kayang magdagdag hanggang 256GB na storage.
At alam niyo ba na ang charging speed
sa teleponong ito ay nakakamangha?
Gumamit ako ng 18W na charger at nakapagcharge ako
mula 18% papuntang 100% sa loob ng isang oras
at 16 na minuto.
'Di na masama iyon. Mabilis na iyon.
Isa pang surpresa dito ay itong telepono
ay kayang tumagal ng 15 1/2 oras
ng screen-on time.
At masasabi ko na ang teleponong ito...
Nagamit ko ang teleponong ito ng mahigit kumulang
isang linggo. Nilalaro ko ito at ginagamit bilang
sekundaryong daily drivers at tumagal ito
ng mahigit isang araw.
Pero syempre hindi nito kaya tumagal ng dalawang araw
sa normal na paggamit.
Siguro isang araw at kalahati o kaya mas higit
ng kaunti doon.
Kung nagsimula akong gamitin ito ng 8:00 a.m.,
kailangan kong i-charge ito ng mga 2:00 p.m.
Pero hindi parin masama.
Guys, ang teleponong ito, ang UMIDIGI A11,
para sa akin ay isang napaka-nostalgic na telepono
dahil kahalintulad nito ang disenyo ng iPhone 4, 4S.
At may pagka-throwback talaga disenyo nito.
At gusto ko ang porma ng teleponong ito pag hawak ko.
Parisukat at patag ito sa likod.
Syempre, namimiss ko yung mga pakurba na gilid
na kung saan na 'di masyado iffy pero sigurado ang isang ito
ay 'di naman gaanong matulis sa gilid.
Syempre pwede mo ikunsidera ito bilang isa sa mga
inyong daily driver. Pero kung gaming ang habol mo,
'di ko marerekomenda ito.
Pero kung habol niyo ay cameras, mga magagandang kuha,
ito ay kayang kaya gawin iyon, kaya magbigay
ng magagandang litrato kapag... syempre kapag
gumagamit kayo ng Zoom, Google Meet...
at para sa conferencing, paniguradadong isa dapat ito
sa mga isaalang-alang niyo.
So guys, kung gusto niyo bilhin ang UMIDIGI A11,
ilalagay ko ito sa description box sa ibaba.
tingnan niyo iyon, kung saan niyo pwede bilhin
ang teleponong ito.
At syempre guys, ang Road to 100,000 Subscribers ko
ay patuloy pa rin. Kung hindi pa rin kayo nakakasali,
please gawin niyo na.
Malay niyo isa kayo sa mga makakauwi
ng isa sa tatlong mamahaling telepono.
So kung nagustuhan niyo ang bidyo na ito,
huwag niyo kalimutang mag-like, mag-subscribe,
at syempre pindutin niyo ang bell icon para hindi niyo
mamiss ang mga susunod na bidyo rito sa aking channel.
At sa muling pagkikita.